LUNA

Date: Sun, 7 Aug 2005 22:55:38 -0700 (PDT)
From: paula
Subject: lyrics
To: Brian Sahagun

Ey bri…tried writing a song. Here’s something. Dunno’ if it’s good enough though. Tae. Ang hirap magsulat uli. Eniweiz, ang nakikita ko po dito…simpleng di maingay na tunog. but hey, if tingin mo mas okay kung maingay…sabihin mo lang. hehe. Eniweiz, hope you could help me come up with the tune for this. lagyan mo sana ng kkaibang touch ang tunog ng aleluya. hehehe.(challenge!) Tell me what you think about it…:)

LUNA

Minsan ako ay may nakilala

Isang bata sa may Escolta

Buhok ay itim

Damit ay gusgusin

Pero mukha’y sadyang kaaya-aya

Dala lagi ay isang lata

At maliit na gitara

Doon sa tabi

Siya ay kakanta

Ng Ale-lu-ya! Ale-lu-ya!

CHORUS:

Halika na

Pakinggan ang kanta

Pakinggan ang kanta

Ni Luna

Puno ng saya

Puno ng pag-asa

Ang kanta

Ni Luna

Minsan ako ay may nakilala

Isang bata sa may Escolta

Dala niya’y saya at pag-asa

Luna…isa kang anghel sa tuwina

…isa kang anghel sa tuwina.

ADLIB:

Sabayan sabayan ang…

Aleluya.

Aleluya.

Aleluya.

pawpaw.


Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *