Estudyanteng Pulubi

c. 1987

Tag-ulan. Tag-hirap kami. Nasanay ako na taun-taon ay ibinibili ako ng mga magulang ko ng bagong sapatos para sa pasukan. Ngunit noong darating na pasukan ay lumang sapatos ko pa rin ang aking gagamitin. Nakanganga na nga at gusto akong belatan.

Isang umagang malakas ang buhos ng ulan. Kumuha si mama ng dalawang plastik na supot at isinuot sa paa ko pagkatapos ng medyas. Nilagyan ng goma para hindi maalis. Isinuot ang sapatos. Para daw hindi mabasa ang medyas ko sa basa ng ulan. Nakangangang sapatos, lululon ng tubig-baha.

Okei lang sa akin. Kahit pala para akong pulubi noon, wala akong pakialam sa mga kaklase ko noong grade 1.


Comments

One response to “Estudyanteng Pulubi”

  1. oweesalva wrote on Mar 15
    ginawa ko yan minsan. pero di naman bumebelat yung sapatos ko. may siwang lang sa swelas. plastic pa ng national bookstore. tapos, namula yung medyas ko.

    happyobituary wrote on Mar 16
    Ha ha, kulay pula. Buti walang resibo sa loob kundi nahaluhan ng violet. 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *