Takip-Kuhol

c. 1989

Kumatok isang araw ang dalawang bata sa gate namin. Humihingi ng takip-kuhol. Isang klase ng halaman na pinapakuluan ang dahon para maging inumin ng matatanda. Pangpagaling daw ito ng sari-saring karamdaman.

‘Yung isang batang lalake ay si Riban at ‘yung kasama niyang batang babae na tila tibo ay hindi na nagsalita kaya hindi ko nakilala. Pinapasok sila ng lola ko at pinapunta sa bakuran upang kumalap ng mga dahon ng takip-kuhol. Tig-isa silang may dala ng plastik.

Nalaman kong meron din palang takip-kuhol ang lolo’t lola ko sa ref. Nakalagay pa sa bote ng isang litrong Coke. Kaya nang tikman ko, parang matabang na ewan. Pwede rin daw sa akin ‘yun ‘pag may balisawsaw ako.


Comments

One response to “Takip-Kuhol”

  1. cedsaid wrote on Mar 14
    Centella asiatica ang scientific name ng Takip-kuhol. At madami nga siyang medicinal properties. Pero mamamatay muna ako bago kumain nito. Wala lang, may paper ako dati sa Economic Botany tungkol dito.

    happyobituary wrote on Mar 16
    He he, nice one, Ernie. 😛

    Sama ng lasa nito!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *